Ang hirap…Ü

Nasubukan mo na bang magsulat ng isang sulatin o salaysay ngunit di mo alam kung pano ito simulan o ano ang iyong isusulat? Kahit paksa lang ng iyong sulatin ay di mo alam kung ano? Tungkol saan ba dapat ang iyong isusulat? Siguro yan nga ang dahilan kung bakit ang tagal ko bago makapagdagdag ng bagong entry sa aking blog. Di ko alam kung ano ang isusulat ko, ano ba dapat ang paksang paglalaruan ko, ang konsepto ng aking sulatin, at marami pang dahilan kung bakit ako nahihirapan magsulat.

Halos dalawang buwan ang pagitan nga aking unang sulatin at sa pangalawa. Nahirapan kasi akong makahanap ng inspirasyon para magsulat. Kung ating babasahin ng mabuti ang ang una kong entry, ay di pa nga masyadong malaman ang una kong sulatin. Nagustuhan man ng iba ang unang kong sinulat ay di parin ako nakontento sa nilalaman nito, kumbaga ay kulang pa siya para sa akin. Walang makikitang pinaka paksa sa una kong sinulat. Siguro yoon nga ang aking pinaka problema sa pagsusulat. Ang maglagay ng maayos na paksa upang maganda ang kalabasan. Marami pa nga akong kailangan malaman at mapagaralan ukol sa sa sining ng pagsusulat. Yan lamang at sa lamat sa pagbabasa.Ü

7 Responses to “Ang hirap…Ü”

  1. yvan Says:

    hehehe…. mahirap nga mag-isip ng subject na “blog worthy”…

    ito po o… thread sa candymag… alam ko girly to pero ito po yung thread na para sa mga parang suggestions kung anong mga pwedeng i-blog… hehehe…

    ingats po!

  2. rubysoho Says:

    hi dodongskers. ishe-share ko sa yo yung advice ng magaling na manunulat at mabuti kong kaibigan na si Ginoong Dennis Aguinaldo:

    “imagine a door with a hundred knobs. imagine it so well that you see its color, the grain of wood, the rust or glitter of the knobs. when fully imagined, choose a knob and your character will stare you in the face. write him/her down.”

    of course, he uses this to write his short fiction, but you can modify it for your purposes. instead of a character, you can imagine a place, an incident, an object, a past experience. then start from there. ingat and good luck sa pagsusulat. :)

  3. dodongtayao Says:

    salamat po sa payo… Ü

  4. yvan Says:

    hindi ko alam kung bakit hindi lumabas yung comment ko… hmmmm…

    anyway, mahirap nga minsan mag-isip ng subject na isusulat. kaya ako laging may bolpen tsaka paper sa bag o kaya lagi kong dala yung phone ko kasi minsan, bigla bigla akong nakaka-isip ng mga bagay bagay na masusulat…

    may nakita me thread, sa candy. hehe. ito po o… nakita ko yung thread, mga suggested na blog topics. hehehe…

  5. ada tayao Says:

    pinsaaan.. marami paksa ang pwede mong italakay.. :)
    kulangot sa pader, mabahong utot, makating kili-kili.. kahit ano! :P
    hehe.. makinig ka nlang sa mga senti na classical na piyesa at makakagawa ka na ng kwento.. :P dbaaaaa? :D
    haha.. aun.. daan lng.. ingat lagi.. God bless.. :)

  6. dodongtayao Says:

    insan… gusto kong paksa ay mga bagay na pinagnilayan ng mabuti at mapag ninilayan ng iba kapag nabasa nila… salamat na rin… hehehehe…Ü

  7. camille Says:

    hmmm, kamusta nman ‘tong blog na ‘to..hehe..mejo nalabuan aq..2loy 2loy na tagalog a! ang deep! hehe..

Leave a Reply