Madalas na sumasagi sa ating isipan ang tanong na; bakit di tayo nauubusan ng problema? Tungkol man ito sa buhay pag – ibig, sa paaralan, sa pamilya, o tungkol sa kahit anong bagay. Sadyang di tayo nauubusan ng problema. Maging ako man ay tinatanong at pinagiisipan yan. May naisip akong sagot, ngunit di ko alam kung tama ako. Sabihin nalang natin na isa itong opinyon tungkol sa paksa na iyan.
Maari kasi na kaya di nawawalan ng problema ang tau ay dahil sa patuloy tayong tumatalino. Sa aking palagay ay sanhi ng karamihan sa mga problema natin ay bunga ng malalim na pagiisip. Napapnsin ko lang kasi na sa patuloy nating pagiisip ay nadadagdagan ang mga bagay na maaring magdulot ng ginhawa sa ating buhay, ngunit ika ng ng kasabihan, ang barya ay may dalawang mukha at ang kabilang dako ng pagginhawa natin ay ang problema na idudulot nito para guminhawa tayo. Tulad nalang ng mga modernong sasakyan. Oo, napadali nga ang buhay natin dahil di na napapadalas ang paglalakad at nakaupo na lamang tayo habang bumibiyahe, ngunit dulot naman nito ay polusyon na nakakasama sa ating kalusugan at sa mundo na ating ginagalawan. kung naisip ba ng tao ang pagimbento ng sasakyan ay madadagdagan ang polusyon? Marami pang argumento akong argumento tungkol sa mga bagay na iyan. ngunit uulitin ko, opinyon lamang ito.
Di ko naman sinasabi na masama ang magisip ng malalim upang mapaginhawa ang ating buhay. Maganda nga ang pagiisip ng malalim upang mahubog ang ating mga isipan na gumawa ng mga bagay na magdudulot ng kabutihan ng walang mikha ng problema. Salamat at magandang [ipasok ang panahn ng pagbasa.Ü
May 11, 2007 at 6:39 pm
dong, masyado kang malalim.. can’t dig you man! haha.. anyway, link mo din blog ko.. http://hawnesarmiento.wordpress.com
May 17, 2007 at 8:07 am
palagay ko tama ka. kaya nga yung mga buhhists/boddhisatvas ine-empty nila yung minds & hearts (thru meditation) and bodies(thru abstinence) nila of all desire, para mawala lahat ng suffering (problema).